SUICIDE | Isang 16-anyos na dalagita, nagpakamatay sa QC

80

Manila, Philippines – Isang 16-anyos na dalagita ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa harap ng dalawang bata na kaniyang inaalagan sa Quezon City.

Nakilala ang nagpakamatay na si Maria Elaiza Decano, residente ng Barangay Commonwealth.

Sa ulat, natagpuang naka­bitin ang katawan ni De­cano sa ‘wooden beam’ sa pinagtatrabahuhan nitong apartment sa No. 2700 IBP Road ng nasabing barangay.

Narinig ng ilang kapitbahay na umiiyak ang dalawang bata kaya at nang kanila itong puntahan ay dito na nakita ang dalaga.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang insidente para malaman kung nagpatiwakal nga ba ang dalagita o may foul play na nangyari.

Facebook Comments