KAKAIBANG TRIP | Magkasintahan na gumagamit ng tirador para makapanakit ng tao sa Mandaluyong City, kinilala na

150

Mandaluyong City – Kinilala na ng pulisya ang magkasintahan na nang-trip gamit ng ang isang tirador sa Mandaluyong City.

Sa kulungan bumagsak ang mga suspek na sina Eugenia Lopez, isang visual artist at ang indie film director na si Rafael Santos III.

Sa ulat, ginawang parang ibon ng dalawa ang mga taong naglalakad sa gilid ng kalsada sa Edsa kung saan tinitira nito gamit ang tirador na may mga bala na tinuping papel.

Sinasabing aabot sa mahigit sampung katao ang nasaktan ng mga ito at napag-alaman pa na habang hinahabol sila ng mga pulis ay patuloy ang kanilang ginagawa.

Nakorner lamang ang dalawa sa Sta. Mesa, Maynila at narekober pa sa pag-iingat ng mga ito ang ilang pang tinuping papel na pambala na plano sana nilang ubusin habang bumibiyahe.

Ilan sa mga pelikulang nagawa ni Santos ay ang “Samarito” na naging official entry noog 2011 sa Cinemalaya Film Festival.

Facebook Comments