SUICIDE | Isang mangingisda, wala ng buhay ng matagpuan sa loob ng kubo nito sa Cagayan

Claveria, Cagayan – Wala nang buhay ang isang mangingisda na pinaniniwalaang nagpatiwakal sa loob ng isang kubo Claveria, Cagayan.

Sa ulat, nakita na lamang ang biktima na si Randy Yurong ng bayaw nito sa loob ng kubo na nakaluhod at nakatali ang leeg.

Nabatid na hiwalay si Yurong sa kanyang asawa at dinala ang tatlong anak sa Claveria, kung saan nagkaroon daw ito ng live-in partner.


Wala naman nakitang foul play sa pagkamatay ng biktima na ilang beses na pa lang tinangkang magpakamatay.

Facebook Comments