SUICIDE | Lalakeng nagpatiwakal sa isang ospital sa Mandaluyong City sasailalim sana sa biopsy

Mandaluyong City – Tukoy na ng Mandaluyong City Police ang pagkakakilanlan ng isang pasyenteng tumalon mula sa Victor R. Potenciano Medical Center kaninang alas cinco ng madaling araw.

Pero nakiusap ang mga otoridad na hwag na munang isapubliko ang pangalan ng biktima dahil patuloy parin nilang ipinaaalam sa pamilya at kaanak nito na nasa probinsya.

Sa inisyal na imbestigasyon, mula sa bintana ng kanyang kwarto sa ikawalong palapag ng Potenciano Hospital tumalon ang biktima at bumagsak sa canopy ng gusali.


Sasailalim din sana sa biopsy ang biktima na senyales na mayroon itong iniindang malubhang sakit.

Naibaba narin kanina ang mga labi nito sa pamamagitan nang paggamit ng harness at naiturn-over na ang katawan sa isang punerarya.

Samantala, wala namang nakikitang foul play ang Mandaluyong police sa nasabing insidente.

Facebook Comments