Sulat na natanggap ng militar mula sa mga NPA, Isang Propaganda lamang!

84

Kinumpirma ni Major Jefferson Somera, pinuno ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 5th Infantry Division, PA na propaganda lamang ang natanggap na sulat mula sa New People’s Army (NPA) patungkol sa mga CAFGU na huwag sumunod sa militar bagkus ay sumapi na lamang sa kanilang grupo.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Major Jefferson Somera, ito ay upang makahikayat lamang ng kanilang makakasamang miyembro sa pamamagitan ng kanilang mga paratang sa militar.


Aniya, matatag at mataas ang tiwala ng mga AFP sa mga CAFGU kaya’t bilang pagkilala sa mga ito sa kasalukuyan ay may mga inilaang programa para sa mga ito gaya ng livelihood program, pagtaas sa kanilang subsistence allowance, at pamimigay ng programang medical.

Tinitiyak naman anya ng kanilang pamunuan na pataasin ang kanilang antas lalo na sa pagbibigay impormasyon at pagpapaalala sa mga CAFGU members upang hindi mahikayat ng mga NPA.

Dagdag pa ni Somera, tuloy lamang ang kanilang isinasagawang Community Support Program sa mga piling bayan at bukas lamang anya ang kanilang pamunuan para sa mga magbabalik loob sa gobyerno.

Facebook Comments
From Advertisers