Sulong sa makabagong teknolohiya para sa Edukasyon inilunsad na ng DepEd

Ikinasa na ng Department of Education ang Cyber Expo kung saan umarangkada na ang Digital Rise of Philippine Education 2019.

 

Ang DepEd Cyber Expo ay tatlong araw ng pagtuturo ng Education Technology kung saan layon nitong mamulat sa mga makabagong teknolohiya ang mga mag-aaral.

 

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones layon ng naturang okasyon ay upang malaman ng mga mag-aaral sa iba’t-ibang pamamaraan ng makabagong teknolohiya, ipakilala ang bagong pamamaraan sa larangan ng Education Technology, turuan ang mga mag aaral ng mga solusyon gamit ang makabgong teknolohiya na nakaapekto sa kanilang Lokal na Komunidad at ipaliwanag sa mga mag aaral ang makabagong teknolohiya at estratehiya na makatutulong sa kanilang pag-aaral.


 

Naniniwala ang kalihim na malaking tulong ang tatlong araw na seminar upang mamulat ang mga mag-aaral sa mga makabagong paggamit ng teklohohiya.

Facebook Comments