Sultan Mastura PNP nakaalerto matapos ang pagsabog sa Brgy. Macabiso

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP kaugnay sa nangyaring pagsabog sa Sitio Santillano Brgy. Macabiso Sultan Mastura resulta ng pagkakasawi ng dalawang menor de edad.
Sa report mula PNP kinilala ang mga namatay na bata na sina Omar 5 anyos at Daniel 7 anyos na kapwa nailibing na rin kahapon ng hapon.
Sinasabing kapwa nagtamo ng matinding sugat ang mga biktima dahil sa natamo mula sa explosion.Naglalaro lamang ang mga bata ng mangayari ang insidente.
Hapon ng sabado ng madiskubre ang insidente matapos na gulantangin ang mga residente ng malakas na pagsabog.
Ilang linggo na ring may naiirereport na tensyon sa lugar dahil sa hidwaan ng mga di nakilalang mga armado ,ngunit inaalam pa ng mga otoridad kung itoy may kaugnayan sa nangyari noong sabado.
SM PNP Pic

Facebook Comments