SULYAPAN: Mga kasuotang bumida sa SONA 2019

Image via Office of the Vice President (OVP)

Maliban sa taunang talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte, inaabangan ng publiko ang mga kasuotan ng mga personalidad na dumadalo sa State of the Nation Address (SONA).

Sa red carpet pa lamang, samu’t-saring selfie ang nagaganap dahil sa agaw-pansin disensyong damit ng mga mambabatas at bisita.

At ngayong taon, bumida pa rin ang Pinoy fashion.


Tunghayan ang mga tampok na suot ng mga taong pumunta sa ika-apat na SONA ni Duterte:

Image via Office of the Vice President (OVP)

Ginawa ng weaving communities mula sa Marawi at Basilan ang pananamit ng pamilya ni Vice President Leni Robredo. Sa ilalim ng Angat Buhay Program ni Robredo, suportado nito ang mga mananahi mula sa nasabing lalawigan.

Image via Office of Gloria Macapagal-Arroyo

Isiniwalat ni Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo ang braso at balikat sa kanyang bulaklaking orange dress.

 

View this post on Instagram

 

Here at the House of Representatives building to listen to the President’s State of the Nation Address. #SONA2019

A post shared by Grace Poe (@sengracepoe) on

Namumukadkad ang puting Filipiniana ni Senador Grace Poe.

Big hit ang unique outfit at rainbow pants ni dating senador at ngayon kongresista Loren Legarda.

Patok rin ang Blue Filipiniana at sash ni Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago.

Blue for peace naman ang panawagan ng asawa ni Congressman Yul Servo Nieto.

 

Sophisticated look ang ipinamalas ng asawa ni Senador Migz Zubiri na si Audrey Zubiri-Tan.

Simple ngunit kabog ang hitsura ng batikang aktres na si Aiko Melendez kasama ang nobyong si Zambales Vice Governor Jay Khonghun.

Facebook Comments