SUMABOG NA MAYON | Halos 8 libong pamilya, inililikas

Albay City – Inililikas ngayon ang halos walong libong pamilya sa lalawigan ng Albay matapos na itaas na sa alert level 4 ang Bulkang Mayon kanina.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, nagsagawa ng magma eruption ang bulkang Mayon kanina kaya napilitang ilikas ang nasa walong libong pamilya.

Sa ngayon pinangungunahan ng mga taga-Regional Disaster Risk Reduction And Management Council at Albay local government ang ginagawang paglilikas.


Sa kabuuan mayroon nang 6,498 pamilya o 24,611 indibidwal ang nanatili ngayon sa 27 evacuation centers habang 734 pamilya o 3,119 indibidwal ang na sa kanilang mga kamag-anak.

Nakikipag-ugnayan rin ang NDRRMC sa DSWD para sa prepositioned ng food at non- food items para sa mga evacuees.

Facebook Comments