SUMABOG NA MAYON | Alert level 4, itinaas ng PHIVOLCS

Albay City – Itinaas ng PHIVOLCS sa Alert Level 4 ang bulkang Mayon matapos silang makapagtala ng ‘hazardous eruption’ kaninang hapon.

Sa press briefing ng PHIVOLCS kanina, sinabi ni Dir. Renato Solidu, ginawa nila ito dahil sa mataas at napaka-kapal na abo na ibinuga ng bulkang Mayon.

Alas 10:22 ng umaga nang magkaroon ng degassing event sa bulkan o mahinang paglabas ng gas at mga abo mula sa bunganga nito.


Mula aniya sa nasabing oras ay nagtuluy-tuloy na ang pagbuga ng makapal at mataas na usok sa bulkan kung saan umabot pa sa sampung kilometero ang taas ng ash column.

Facebook Comments