SUMABOG NA MAYON | Klase sa lahat ng antas sa Albay, suspindido na

Albay City – Sinuspinde na ng lokal na pamahalaan ng Albay ang klase sa lahat ng antas dahil sa pagbuga ng makapal na abo kanina ng bulkang Mayon.

Sabi ni Albay Gov. Al Bichara, tinatangay kasi ng hangin sa iba’t ibang direksyon ang mga abo kaya’t nagpasya na silang kanselahin na ang klase hanggang bukas.

Kasabay nito ay nilinaw din ni Governor Bichara na naibalik na sa ayos sinasabing kakulangan sa suplay ng malinis na tubig at pagkain.


Sa ngayon ayon kay Bichara, ay nasa sampung libong mga residente na ang inililikas kasunod ng ibinugang makapal na abo ng bulkang Mayon.

Facebook Comments