Quezon City – Arestado ang isang tubero matapos nakawan ng mga alahas ang
isang negosyante sa Cubao, Quezon City.
Dumulog ang 47-anyos na babaeng biktima sa tanod ng Brgy. E. Rodriguez
matapos niyang malaman na ninakawan sila ng pinagkakatiwalaang tubero sa
loob mismo ng kanyang bahay sa Ermin Garcia St.
Ayon sa biktima, nakita ng anak niya na kinuha ng suspek ang kanyang wallet
na may lamang alahas na may halagang 36,000 pesos.
May access umano ang hindi na pinangalanang 40-anyos na suspek sa kanilang
bahay dahil pinsan siya ng boyfriend ng biktima.
Agad na naaresto ang suspek at kasalukuyan nang nakakulong sa Cubao Police
Station.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>
Facebook Comments