Manila, Philippines – Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang pagkakasara ng isang lane sa C5 kaninang rush hour.
Ito ay matapos sumalpok ang isang 14-wheeler truck sa ilalim ng C5 flyover kanto ng Pasig Boulevard, kaninang madaling araw.
Dahil sa matinding traffic, nahirapan ang mga bumberong magbobomba sana ng tubig sa daan para malinis ang langis na natapon mula sa truck.
Mag-aalas-12 na nang maialis ang truck sa C5-Bagong Ilog south bound makalipas ang walong oras.
Katwiran ng driver ng truck, nawalan siya ng preno kaya ibinangga na lamang niya ito sa center island ng C5.
Kargado ng buhangin ang trak na galing Porac, Pampanga at maghahatid sana ng supply sa Sta. Mesa, Manynila.
Kargado ng buhangin ang trak na galing Porac, Pampanga at maghahatid sana ng supply sa Sta. Mesa, Manynila.