SUMANG-AYON | Philippine Marines Chief, pabor na maihiwalay ang Philippine Marines sa Philippine Navy

Manila, Philippines – Sang-ayon ang liderato ng Philippine Marines na
maihiwalay ang kanilang hanay sa Philippine Navy.

Ito ay sa harap na rin ng inihaing panukalang batas nina Speaker Pantaleon
Alvarez at House Majority Leader Rodolfo Farinas na naglalayong ihiwalay
ang Philippine Marines sa Philippine Navy katulad ng Philippine Air Force
at Philippine Army.

Ayon kay Philippine Marines Chief Major General Alvin Parreño pabor sila sa
panukalang ito pero hindi anya nangangahulugan na nais nilang maging
malaking unit katulad ng Philippine Army o di kaya para makipag-kompitensya
sa ibang branch of service.


Aniya ang hakbang ng dalawang kongresista ay parte lamang ng kanilang
paghahanda para sa mga pagbabago sa kanilang unit.

Inihalimbawa naman ni Parreño ang Royal British marines na umaabot sa
walong libong miyembro.

Kaya hindi anya malayong mas dumami rin ang kanilang mga miyembro lalo’t sa
panahong ito aniya ay kakailanganin pa ng Philippine Marines ng ilang
batalyon.

Facebook Comments