EARTH HOUR | Mga Pinoy, hinikayat na makilahok

60

Manila, Philippines – Hinikayat ng World Wildlife Fund (WWF) Philippines
ang mga mamamayan na magpatay ng ilaw ng isang oras mula 8:30 hanggang 9:30
ng gabi sa Sabado, March 24 bilang pakikiisa sa pandaigdigang pagsisikap
upang labanan ang Climate Change.

Ang Earth Hour ay nakatuon sa bagong pandaigdigang kampanya ng WWF
Philippines na #Connect2Earth, target nito na itaguyod ang mga talakayan
at palakasin ang tungkol sa biodiversity.

Layunin nito na maipakita ng sambayanang Pilipino sa buong mundo ang
pagkakaisa upang labanan ang climate change, at ang pagpo-promote ng
malinis, malusog at green earth.

Mula 2009 hanggang 2013, nakamit ng Pilipinas ang titulong “Earth Hour Hero
Country” bilang bansa na may pinaka-maraming lumahok sa aktibidad na
nagpatay ng kanilang mga ilaw.

Ang Earth Hour ay isang malakawang pagkilos ng World Wide Fund upang
pag-isahin ang lahat na gumawa ng hakbang para sa ikabubuti ng planeta.

Facebook Comments