Pumapalo na ngayon sa mahigit 150, 000 kada araw ang sumasakay sa LRT-1 matapos ang dalawang taong pandemya kung saan halos walang laman o sakay ang tren.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Atty. Hernando Cabrera na noong magsimula ang pandemya nakakapagtala lamang sila ng 10,000 pasaherong sumasakay sa LRT-1 kada araw.
Pero sa pagpasok ng taong 2023 unti-unti aniyang tumataas ang bilang ng mga tumatangkilik muli ng LRT-1 na ngayon ay nasa 150,000 kada araw.
Inaasahan naman ni Atty. Cabrera na sa mga susunod na buwan sasampa pa sa mahigit 150,000 kada araw ang kanilang maitatala.
Ang normal na bilang kasi aniya ng ridership ng LRT-1 kada araw ay 180,000 hanggang 200,000.
Facebook Comments