Sumatran tiger lumapa ng magsasaka, umatake ng turista sa Indonesia

Patay ang isang magsasaka sa Indonesia, habang malubhang sugatan ang isang lokal na turista sa pag-atake ng endangered Sumatran tiger, ayon sa awtoridad nitong Lunes.

Nangyari ang insidente noong Linggo sa taniman ng kape ng 57-anyos biktima na nakipagbuno pa sa tigre bago tuluyang mapatay.

Bago ito, inatake rin ng parehong tigre ang grupo ng mga lokal na turistang nag-camping sa taniman ng tsaa sa Mount Dempo.


Isa sa mga turista ang isinugod sa ospital matapos makalmot sa likod ng tigreng sumugod sa loob ng tent nito.

Nananatili kawala sa protektadong gubat ang hayop na pinaniniwalaang isa sa 15 nanganganib na tigre sa South Sumatra.

Limang insidente na ng pag-atake ng tigre ang naitala sa lugar ngayong taon, ayon kay Genman Hasibuan, punong-opisyal ng conservation agency.

Itinuturing ng International Union for Conservation of Nature na critically endangered ang mga Sumatran tiger na nasa 400 hanggang 500 na lamang.

Facebook Comments