Manila, Philippines – Sa layuning protektahan ang kapakanan ng mga mamimili.
Ilulunsad ngayong araw ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kanilang consumer care hotline.
Pangungunahan ang aktibidad ni Trade Secretary Ramon Lopez, Undersecretary for Consumers Protection Group Ruth Castelo at iba pang opisyal ng DTI sa isang mall sa Mandaluyong City.
Ayon sa DTI para sa may mga sumbong o reklamo maaaring i-dial ang mga numerong (1-DTI) o 1-384 kung saan bente kwatro oras anilang garantisadong may sasagot sa nabanggit na hotline.
Maliban dito, magkakaroon din ng consumer corner sa lahat ng malls na layuning palakasin ang consumers welfare and protection.
Bukod sa landline at consumers corner inilunsad din ng ahensya ang consumer care email add na ConsumerCare@dti.gov.ph para din sa mga concerns ng mga mamimili.