Manila, Philippines – Bukas ang MRT Corporation, may-ari ng Metro Rail Transit line 3 na maglabas ng 150 million dollars para sa rehabilitasyon ng rail systems.
Ayon kay MRTC President Frederick Parayno, nakipag-usap na sila sa Sumitomo para sa action plan na gagawin sa MRT 3 na una nang inilatag kay Pangulong Rodrigo Duterte at Transportation Sec. Arthur Tugade.
Ang sumitomo ay isang Japanese maintenance contractor na nag-designed, gumawa at nagmintene sa MRT-3 system sa loob ng labing dalawang taon hanggang 2012.
Inihayag din ni Parayno na handa ang sumitomo na bumalik bilang maintenance provider ng MRT-3 kung kukunin ang kanilang serbisyo.
Ang may responsibilidad sa pagkuha ng maintenance contractor ng MRT-3 ay ang Department of Transportation (DOTr).