
Nagpalabas na ng notice to explain ang pamunuan ng Manila Metro Rail Transit System Line 3 o MRT-3 sa kanilang maintenance provider na Sumitomo Corporation.
Kaugnay ito ng nag-viral na video ng umano’y surot o maliliit na insekto na nakita ng isang pasahero sa loob ng tren.
Ayon kay MRT-3 General Manager Michael Capati, pinaigting na nila ang sanitation, disinfection, at pest control measures sa lahat ng kanilang train sets at maging sa mga istasyon ng tren.
Agad ding isinailalim sa dis-infection ang train set na nakitaan ng naturang maliliit na insekto.
Ayon sa MRT-3, ang nakita ng pasahero ay hindi surot kundi maliliit na ipis.
Facebook Comments










