Manila, Philippines – Nakatakdang ideklara ng PAGASA sa huling dalawang linggo ng buwan ng Marso ang panahon ng tag-init.
Papasok na kasi ang transistion period mula sa panahon ng taglamig o amihan patungo sa panahon ng tag-init.
Ayon kay PAGASA Climate Monitoring OIC Annalisa Solis, maaaring sa kalagitnaan ng buwan ng Abril na ideklara ang opisyal na pagpasok ng summer.
Sa ngayon ang tag-init na naramdaman sa ilang panig ng bansa ay dulot lang ng umiiral na Easterly o mainit na hangin na nagmumula sa Pacific Ocean.
Sa ngayon, umiiral pa rin ang amihan bagamat paunti-unti na lamang itong nararamdaman sa dulong bahagi ng Northern Luzon.
Ang Northeast Monsoon o Amihan ay kadalasang nararamdaman sa bansa tuwing Oktubre hanggang Pebrero at saka papasok ang panahon ng habagat o summer season pagsapit ng Abril hanggang sa buwan ng Setyembre.