Summer Splash Bikini Open na gagawin sa Cagayan De Oro, kanselado muna dahil sa martial law

Cagayan De Oro City – Kinansela ngayon ng Cagayan plus ang nakatakdang pinakamalaking Bikini Open Contest dito sa siyudad matapos na pinatupad ang martial law.
Ayon kay Enrique Nino Patricio, ang registered nurse at chairman ng K-Plus, na nagkulang sila ng security coordination sa Cagayan De Oro City Police Office o COCPO.
Dagdag pa nito na nirespeto nila ang pinatupad na Martial Law sa Mindanao, dahil na din sa banta ng terorismo mula sa grupong Abu Sayyaf at Maute sa Mindanao.
Dahil dito, plano ngayon ni Patricio na itutuloy na lang ang kanilang Summer Splash Bikini Open sa ikalawang linggo ng Hulyo.
DZXL558, Mishelle Enloran

Facebook Comments