SUMMIT | U.S. President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong-un, naging magiliw sa isa’t-isa

74

Singapore – Nagharap na para sa makasaysayang summit sina US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong-un.

Magiliw na nagbatian at nagkamayan ang dalawang lider sa isat-isa sa kanilang pagkikita sa Capella Hotel, Singapore.

Matapos na makipaglitrato, magkakaroon ng one-on-one discussion ang dalawa kasama ang ilan sa kanilang translators.

Bago magsimula ang naturang one-on-one discussion, sinabi ni Trump na kampante siya na magiging “Tremendous Success” ang pagpupulong nila Kim.

Aminado naman si Kim Jong-un na hindi naging madali ang kanilang pinagdaanan bago ang pinaka-inaabangang Summit lalo na at ilang dekada nang isolated sa mundo ang North Korea.

Pagkatapos ng ilang minutong pagpupulong, lumipat ang dalawa sa kabilang meeting room para sa kanilang expanded bilateral meeting kung saan ilang kasunduan ang nilagdaan.
Magkakaroon naman ng working lunch kasama na ang iba pang mga opisyal ng pamahalaan ng US at North Korea.

Facebook Comments