Manila, Philippines – Naisilbi na ang ang summon o show cause order ng Land Transportation Office laban sa aktres at dating beauty queen Ma. Isabel dahil sa breach of security protocol dahil sa pagtanggal niya sa traffic cones at paglusot sa Asean lane sa Edsa.
Pinagpapaliwanag si Lopez kaugnay sa mga sumusunod na paglabag:
1. Disregarding traffic signs
2. Violation of the Anti-Distracted Driving Act
3. Reckless driving
Tiniyak ni LTO Chief Edgar Galvante na susundin nila ang tamang proseso sa kaso ni lopez at kung anuman ang magiging desisyon nila ay aalinsunod ito sa katotohanan at kung ano ang itinatakda ng batas.
Ayon kay Galvante,delikado ang ginawa ni Lopez dahil kung nagkataon na may dalang sniper ang bawat delegado na dadaan sa Asean Lane ay posibleng na napagkamalan na siyang terorista.
Ayon naman kay LTFRB spokesperson Aileen lizada, ang pag sorry ni Lopez ay maituturing na bunga ng pansariling pagninilay sa kaniyang aksyon. Gayunman, ang ang batas ay kailangang maipatupad nang walang kinikilangan o kumikilala sa estado sa buhay.