SUMUKO | Lalaking nagsimula nang sunog sa Navotas, kusang sumuko sa mga otoridad

Navotas City – Kusang sumuko sa mga otoridad ang isang lalaking nagpakilalang nasa likod ng sunog na tumupok sa ilang kabahayan sa Barangay North Bay Boulevard sa Navotas City.

Nakilala ang lalaki na si Vergel Valera na umaming naglasing muna bago sinilaban ang kanyang kwarto na nasa ikalawang palapag ng bahay gamit ang posporo.

Depensa ni Valera, may problema lamang siya sa kanyang pamilya kaya niya ito nagawa kung saan muntik rin siyang masunog at mabuti na lamang ay mayroong tumulong para makalabas siya sa nagliliyab na bahay.


Ayon sa mga otoridad, kahit na sumuko si Valera ay hindi sapat ang kanyang pag-amin para makasuhan dahil sa nakainom ito nang sumuko at magbigay ng salaysay sa himpilan ng mga pulis.

Samantala, umabot sa ₱300,000 ang kabuuang pinsala na iniwan ng sunog.

Facebook Comments