Sumukong prisoner sa PNP na naka-avail ng GCTA, umabot na sa 230

Manila, Philippines – Dumami pa ang mga prisoner na naka-avail ng Good Conduct Time Allowance O GCTA ang sumuko na sa Philippine National Police (PNP) na ngayon ay umaabot na sa 230.

Batay sa ulat ng PNP Public Information Office mula September 5 hanggang kaninang umaga September 11 naitala ang pagsuko ng mga convicts.

Sa bilang na ito 35 na mga prisoners ay na i-turn over na sa Bureau of Corrections (BuCor).


Batay sa nakuhang official list ng PNP mula sa BuCor umaabot sa 1,914 ang mga prisoners na naka-avail ng GCTA mula taong 2014.

Ibig sabihin may mahigit 1,600 pang prisoner na naka-avail ng GCTA ang hinihintay ng PNP na sumuko bago matapos ang 15 days grace period na ibinigay ng Pangulo na ang deadline ay sa September 19.

Kapag natapos na ang 15 days period saka lamang i-de-deploy ng PNP ang kanilang teams para tugusin ang mga hindi susukong convicts na naka-avail ng GCTA.

Facebook Comments