US Embassy sa Kabul, binulabog ng rocket strike

66

Binulabog ng pagsabog ng isang rocket ang embahada ng Estados Unidos sa Kabul, Afghanistan kaninang madaling araw.

Ito ay sa bisperas ng pagdiriwang ng 18th Anniversary ng 9/11 attacks.


Nasira ng pagsabog ang pader ng Defense Ministry pero wala namang nasaktan.

Nabatid na ito ang unang pag-atake sa Kabul simula nang itigil ni US President Donald Trump ang U.S.-Taliban talks nitong weekend.

Facebook Comments

From Advertisers