Sumukong TESDA provincial director ng South Cotabato na idinawit sa Maute Group, sinampahan na ng kasong rebellion

South Cotabato – Sinampahan na kahapon ng kasong paglabagsa Article 134 o Rebellion si Technical Education Skills Development Authority o TESDA Provincial Director Talib Bayabao.

Nabatid na boluntaryong sumuko sa Provincial Police Office ng South Cotabato noong Hunyo 14 ng kasalukuyang taon si Engr. Bayabao matapos masama ang kanyang pangalan sa arrest order no. 2 ng Department of National Defense ng mga indibidwal na may kaugnayan sa teroristang Maute Group.

Sinabi naman ni Police Sr. Supt. Franklin Alvero Police Provincial Director ng South Cotabato, nasa korte na ang desisyon kung may probable cause ang isinampa nilang kaso laban sa TESDA Provincial Director.


Sa ngayon nananatiling nasa kustodiya ng Provincial Police Office si Engineer Bayabao.

Facebook Comments