Vice Mayor ng binalbagan sa Negros, abswelto na sa listahan ng mga Maute supporters ayon sa DND

Binalbagan, Negros Occidental – Nabunutan na ng tinik at nakahinga na ng malalim ang Vice Mayor ng Binalbagan dito sa Negros Occidental matapos na nilinis ng Department of National Defense ang pangalan nito sa listahan ng mga financier ng Maute Group sa Marawi City.

Ang pangalan ni Vice Mayor Samuel Gavaran ay naisama sa listahan ng mga pangalan ng financer ng Maute at nai-publish pa sa Manila Standard.

Ayon kay Gavaran halos hindi nito maisip kung bakit naisama ang kanyang pangalan sa mga supporters ng Maute gayong mahirap ito at walang kakayahang mag finance.


Kaagad na nagsagawa ng verification ang Department of National Defense at doon nalaman na magkapareho lang pala ang pangalan ni Gavaran sa pangalan ng tutuong tinutukoy na supporter ng Maute na si Samuel Gavaran din ngunit ito ay taga Northern Mindanao.
Dahil dito, kaagad na inituos ng DND ang pagtanggal na ng pangalan ni Gavaran ng Binalbagan Negros sa naturang listahan.

Facebook Comments