SUMULAT | Kamara, lumiham sa Malacañang kaugnay sa mga kongresistang nakatanggap ng malalaking pondo

Manila, Philippines – Lumiham na ang liderato ng Kamara sa Malakanyang kaugnay sa naging hamon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ipaliwanag ang lumabas na report na nakatanggap ng malaking bahagi ng pondo sa 2019 si Speaker Gloria Arroyo at si House Majority Leader Rolando Andaya Jr.

Kasunod nito ay nanindigan si Andaya na hindi ang kasalukuyang liderato ng Kamara sa ilalim ni Arroyo ang nakinabang at napaboran ng malaking pondo sa 2019 national budget.

Sa katunayan aniya ay si Arroyo pa ang nagtama at nagsiguro na lahat ng distrito ay makikinabang at mabibigyan ng budget at hindi ng iilan lamang.


Ang tunay aniyang nakinabang sa malaking pondo ay ang nakaraang liderato ng Kamara bago pinalitan ni Speaker Arroyo.

Ibinunyag ni Andaya na si dating House Speaker Pantaleon Alvarez ang nasa unang pwesto sa may pinakamalaking budget na nasa P5B, sinundan ito ni dating House Committtee on Appropriations Chairman Karlo Alexi Nograles na nasa P4B, ikatlo naman si dating Majority Leader at Ilocos Norte Rep Rodolfo Farinas na P3.5B.

Sinabi ni Andaya na nang isalalim nila sa deliberasyon ang 2019 budget ay marami silang nadiskubreng anomalya gaya ng parked funds at nang kanilang beripikahin sa National Economic Development Authority(NEDA) ay maraming pinondohang projects na hindi rekomendado ng Regional Development Councils.

Facebook Comments