SUMULAT | U.S. officials, humiling na makapulong si P-Duterte

Ilang opisyal ng Estados Unidos ang sumulat kay Pangulong Rodrigo Duterte para mag-alok ng iba’t-ibang gamit gaya ng F-16 multi role fighter jets.

Sa kanilang talumpati sa ika-12 anibersaryo ng Eastern Mindanao command sa Davao City binasa ni Duterte ang liham nina US Secretary of State Mike Pompeo, Defense Secretary James Mattis at Secretary of Commerce Wilbur Ross.

Ayon kay Duterte, nakapaloob sa sulat ang kagustuhan ng mga ito na makausap siya hinggil sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).


Ipinaalala rin aniya ng mga ito ang matagal ng ugnayan ng Pilipinas at Amerika.

Sakabila nito, iginiit ni Duterte na hindi niya tatanggapin ang alok ng Amerika dahil hindi naman ito kailangan ng Pilipinas.

Sabi pa ni Duterte, kailangan munang patunayan ng Amerika na malinis ang kanilang intensyon.

Facebook Comments