SUMUSUNOD | PNP, tiniyak na sinusunod ang protocol sa pagpapalabas ng impormasyon na may kinalaman sa national security

Manila, Philippines – Mahigpit na sinusunod ng Philippine National Police (PNP) ang protocol sa pagpapalabas ng impormasyon na may kinalaman sa National Security.

Ito ang sagot ni PNP Spokesman Police Chief Supt. John Bulalacao sa harap ng mga report na umanoy may utos ng Pangulong Rodrigo Duterte sa hanay ng PNP na huwag pansinin ang UN rapporteurs na mag-iimbestiga sa umano’y human rights abuse sa Pilipinas.

Aniya, ang anumang impormasyon na hihingin ng mga international bodies ay kailangang dumaan sa proper channels.


Paliwanag ni Bulalacao, ang PNP ay nasa ilalim ng executive branch ng pamahalaan kaya ang mga mas nakakataas ang makapagdesisyon kaugnay ng usaping ito.

Matatandaang una nang tinutulan ni PNP Chief Police Director General Ronald Bato Dela Rosa ang paglalabas ng mga sensitibong case files sa CHR na may kaugnayan sa pagkamatay ng mga drug personalities sa kampanya kontra droga.

Idinahilan noon ni Dela Rosa ang “National Security” at iginiit na malalagay sa peligro ang mga pulis na sangkot maging ang kanilang pamilya, na maaring target ng mga sindikato ng droga bilang paghihiganti.

Facebook Comments