Sundalo at NPA muling nagka-engkwentro!

General Santos City— Umabot ng labinlimang minuto ang engkwentro ng kasundaluhan at rebeldeng New People’s Army na guerilla front 51 ilalim sa pamumuno ni Alyas Macoy alas 4 ng madaling araw.

Ayon kay Lt. Daryll Cansancio, ang spokesperson ng 73rd Infantry Batallion Philippine Army na nangyari ang nasabing engkwentro matapos na respondihan ng kanilang team ang reklamo ng mga magsasaka sa Brgy. Goma, Digos City, Davao del Sur kung saan sapilitan di umanong kinuha ng mga armadong grupo ang kanilang mga pananim.
Dagdag pa nito na hindi bababa sa 40 na miyembro ng guerilla front 51 ang nakaharap ng mga sundalo. Kung saan kanila pang kung may mga sugatan o namatay sa hanay ng rebeldeng grupo matapos makatanggap ng mga impormasyon mula s amga residente na may mga sugatan sa panig ng mga armado.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang pursuit operation ng kasundaluhan sa nasabing grupo.
Pag-amin din ni Lt. Cansancio na marami-rami pa ang natitirang miyembro ng Guerilla front 51 sa lugar na kanilang ginagalawan.


Facebook Comments