Sundalo na galing bakbakan sa Marawi, patay matapos barilin ng mga pulis sa Zamboanga del Sur

696

Zamboanga del Sur – Ikinalungkot ng AFP ang pagkamatay ng isang sundalo galing bakbakan sa Marawi sa kamay ng mga pulis sa Zamboanga del Sur.

Sa ulat, pauwi na ng bahay si Private 1st Class Rogilo Torres Bartolome ng 53rdinfantry Batallion matapos barilin ng mga pulis sa barangay Montealegre, bayan ng Aurora.

Sinita umano ng mga pulis ang nakasibilyang sundalo dahil sa bitbit nitong baril.


Nang ipapakita lang sana ng sundalo ang baril ay biglang pinaputukan siya ng mga pulis.

Sa interview ng RMN kay AFP Spokesperson, Brig/Gen. Restituto Padilla – iginiit na pwedeng magdala ng baril ang mga sundalo kahit nakasibilyan.

Aminado si Padilla na nakakaranas ng trauma at stress ang mga sundalong nakikipagbakbakan.



Inaalam pa ng AFP ang buong detalye ng insidente.

Facebook Comments