Sundalo na Nag-amok, Mahaharap sa Patung-patong na kaso!

240

Cauayan City, Isabela- Mahaharap sa patung-patong na kaso ang isang sundalo matapos itong mag-amok kagabi sa Brgy Calamagui 1st, City of Ilagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), kinilala ang suspek na si Corporal Feliciano Soriano, 35 anyos, may-asawa, nakatalaga sa 5th Infantry Division na nakabase sa Camp Melchor F. Dela Cruz Brgy Upi, Gamu, Isabela.


Lumabas sa imbestigasyon ng PNP Ilagan, nagpaputok ng maraming beses ang suspek gamit ang kanyang service firearm na ikina alarma ng kanyang mga kapit-bahay.

Makalipas ang ilang sandali ay pumasok sa isang bahay kalakal ang suspek at kumuha ng gunting at inundayan ng saksak si Roberto Gumarag, 49 anyos, may-asawa na residente rin ng nasabing lugar na maswerte namang hindi natamaan.

Agad naman nadakip ang suspek matapos rumesponde ang mga pulis at narekober sa pag iingat nito ang isang Glock 17 na pistol na may 11 bala habang narekober naman sa lugar ni Felimon Agbayani ng Brgy. Calamagui 2nd ang tatlong basyo ng bala.

Sa ngayon ay inihahanda na ng PNP Ilagan City ang mga kasong Attempted Murder, Alarm and Scandal at Malicious mischief na isasampa laban sa naturang sundalo.

Ayon naman Kay Army Major Noriel Tayaban ng Division Public Affairs office ng 5th ID nagkaroon ng warshock ang kanilang tauhan matapos madestino sa Mindanao at bagong lipat lang dito sa kanilang nasasakupan.

Isasailalim din umano nila sa pagsusuri ng kanilang manggagamot upang malaman ang lagay ng kalusugan sa pag iisip ng naturang sundalo.

Facebook Comments