Sundalo na Nang-blackmail sa Dalawang Babae, Timbog sa Entrapment Operation!

Ilagan City, Isabela- Nahaharap sa patong-patong na kaso ang isang sundalo matapos matimbog sa isang Entrapment Operation bandang alas otso y medya kagabi sa Brgy. Alibagu, Ilagan City, Isabela dahil sa pamba-blockmail sa dalawang babae.

Kinilala ang nadakip na sundalo na si Private First Class Rene Cantomayor, trenta anyos, walang asawa, kasalukuyang naka destino sa Upi, Gamu, Isabela at tubong Brgy San Mateo, Alyusan, Cotabato City.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Inspector Orlan Capili, ang imbestigador ng PNP Ilagan, nagsumbong sa kanilang himpilan ang dalawang babae na binibiktima ng naturang sundalo hinggil sa pananakot nito sa pamamagitan ng pagpapakalat ng kanilang mga hubad na larawan at sex videos kung hindi sila makikipagkita at hindi maibibigay ang sexual favor ng naturang sundalo.


Ayon pa kay Police Inspector Capili, magkaibigan umano ang dalawang biktimang babae at dati na umanong kasintahan ng suspek ang isang babae habang ang isa pang babae ay kasalukuyan nitong kasintahan.

Nakatakdang dalhin ngayonng araw sa piskalya ang naturang sundalo upang isailalim sa inquest proceedings habang inihahanda na ng mga otoridad ang kanyang kasong kakaharapin na Paglabag sa RA 9262 o VAWC Law, Grave Coercion at RA 9995 o Photo or video Voyeurism”.

Facebook Comments