TUCP, nanawagan sa DOLE na inspeksyunin ang lahat ng POGO

Dapat inspeksyunin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang lahat ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) sa bansa upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa labor laws.

Ayon kay Trade Union Congress of the Philippines President Raymond Mendoza – aabot sa 57 registered POGOs sa website ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Kailangan aniyang matiyak na sumusunod sila sa mga batas para na rin sa kapakanan ng mga manggagawa.


Responsibilidad din aniya ng DOLE at ng gobyerno na matiyak na naitataguyod ang labor rights ng mga manggagawa.

Facebook Comments