Sundalo, Patay Matapos Maaksidente!

Cauayan City, Isabela- Dead on arrival sa pagamutan ang isang sundalo matapos na maaksidente pasado alas 11:00 kagabi sa kahabaan ng pambansang lansangan ng Brgy. Luna, Roxas, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Sgt. Michael Olog, 35 anyos, may asawa, at residente ng Brgy. Lanting, Roxas, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Roxas, habang minamaneho ng biktima ang kanyang Mitsubishi Montero na may plakang PTI 918 patungo sana sa poblacion ng nasabing bayan nang mawalan umano ito ng kontrol sa manibela na dahilan ng pagbangga nito sa isang konkretong poste.


Sa tindi ng pagsalpok ng biktima ay nagtamo ito ng malalalim na sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan at ulo ang biktima.

Naisugod pa ito ng rumespondeng rescue sa pagamutan subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Facebook Comments