Sundalo patay matapos pagbabarilin ng kapwa sundalo sa Fort Bonifacio, Taguig City

7382

Nasawi ang isang sundalo matapos pagbabarilin ng kapwa nito sundalo sa Bayani Road, Fort Bonfacio, Taguig City kaninang madaling araw.

Kinilala ang nasawing sundalo na si Private First Class Niko Del Pilar habang ang suspek na sundalo ay kinilalang si Technical Sergeant Gilbert Gella.


Ayon kay Philippine Army Spokesperson Lt. Col. Ramon Zagala alas 2:00 ng madaling araw kanina nang magtalo ang dalawa.

At upang hindi lumalala ang sitwasyon umiwas na lamang si Gella at umalis sa lugar patungo sa kanyang sasakyan pero sinundan siya ni Del Pilar at inundayan ng saksak at para idepensa ang sarili binunot ni Gella ang kanyang baril at ipinutok kay Del Pilar.

Tinamaan ito sa kanyang leeg dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Nagpapatuloy na ang imbestigayson ng Taguig PNP sa insidente habang may hiwalay na imbestigasyon na ring ginagawa ang Philippine Army upang matiyak na sumusunod ang lahat ng miyembro ng Philippine Army sa military discipline at proper decorum.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Philippine Army sa pamilya nang nasawing sundalo at tiniyak na magbibigay sila ng tulong sa pamilya.

Facebook Comments

From Advertisers