Sundalo patay sa pamamaril sa North Cotabato

19

Patay ang isang sundalo ng ito ay pagbabarilin aa bayan ng Matalam North Cotabato kahapon ng umaga. Kinilala ang biktima na si Pfc. Jimmy Bagawisan Marcelo , miembro ng 39th IB.
Natagpuan patay si Marcelo sa damuhang bahagi ng Purok 8 Barangay Kidama sa bayan ng Matalam pasado alas 6 kahapon ng umaga.
Nagtamo ng multiple gunshot wounds sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na nagsanhi ng kaniyang agarang kamatayan.
Narekober sa crime scene ang kulay itim na suzuki raider motorcycle ng biktima. Bukod dito ay narekober din sa crime scene ang mga bala mula sa M16 armalite rifle, cal.45 pistol na siyang ginamit sa pamamaril sa biktima.
Sinabi ni 39th IB spokesperson Lt. Silver Belvis ang pagbaril kay Marcelo ay walang kinalaman sa giyera nila sa New Peoples Army o NPA.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments