Sundalo sa Kalinga,Pinatay!

Balbalan, Kalinga – Nasawi ang isang sundalo matapos atakehin ng pinaghihinalaang NPA ang detachment ng mga kasundaluhan sa Guisang Barangay Salegseg, Balbalan Kalinga sa oras na alas otso ng umaga kahapon, March 11,2018.

Sa inisyal na impormasyon na ibinahagi ni Division Public Affairs Captain Jefferson Somera ng 5th Infantry Division Phillippine Army, kinilala ang sundalo na si Private First Class Samuel Neri.

Hinagisan umano ng granada ang advance post ng Alpha Company ng 50th IB kung saan tinamaan si Neri na isinugod pa sa ospital ngunit binawian ito ng buhay.


Tumagal umano ang bakbakan ng mahigit sa 25 minuto at tumakas ang mga armadong NPA na may mahigit kumulang sa bilang na 20.

Antabayanan ang iba pang detalye may kaugnayan sa usaping ito.

Facebook Comments