SUNOD-SUNOD | Isa pang mataas na opisyal ng CPP, naaresto sa Ozamiz City

Ozamiz City – Isa na namang mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines ang naaresto kahapon sa Ozamiz City.
Sa report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ni Supt. Lemuel Gonda, spokesman, Northern Mindanao Regional Police ang naarestong suspek na si Rommel Dorango Salinas- Secretary ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Si Salinas ay inaresto ng alas-onse ng umaga kahapon sa Bernad Subd., City Hall Drive, Barangay. Aguada, Ozamiz City, Misamis Occidental.
Nadakip ito ng pinagsanib na pwersa ng Ozamiz City Police Station, Regional Mobile Force Battalion 10, Oroquieta City Police Station, CIDG 10, PIB, Provincial Mobile Force Company Misamis Occidental, Regional Intelligence Unit 10 at 10th Infantry Battalion, Philippine Army.
Inaresto ito dahil sa pagpapatupad ng warrant of arrest kaugnay sa mga kasong frustrated murder at destructive arson.
Kahapon sinabi ni PNP Chief PDG Ronald Bato Dela Rosa na asahan na ang mga susunod pang pag-aresto sa mga “Wanted” na lider komunista, bahagi ng sa pagsunod ng PNP sa kautusan ng Korte.

Facebook Comments