SHOOTING INCIDENT | 2 estudyante sa Los Angeles, biktima ng pamamaril; Suspek sa krimen, 12-anyos na dalagita

Amerika – Dalawang kinse anyos na estudyante ng Salvador Castro Middle School sa Los Angeles, California ang sugatan matapos mabaril sa loob ng kanilang eskwelahan kahapon.
Tama sa ulo ang tinamo ng biktimang binatilyo, habang sa kamay naman ang tama ng isang babaeng biktima.
Dalawa pang mag-aaral ang nagtamo ng sugat matapos tamaan ng bubog mula sa nabasag na salamin.
Dose anyos na estudyante ang sinasabing suspek sa insidente.
Inaalam pa kung aksidente o sadya ang ginawa niyang pamamaril.
Iniimbestigahan pa rin kung paano nagkaroon ng access sa baril ang suspek sa loob ng paaralan na itinuturing na “secured area.”

Facebook Comments