Tuesday, March 3, 2026

SUNOD-SUNOD NA PAG-ARESTO SA MGA WANTED PERSON, ISINAGAWA SA PANGASINAN

Magkakasunod na operasyon ang isinagawa ng iba’t ibang himpilan ng pulisya sa lalawigan na nagresulta sa pagkakaaresto ng ilang wanted person sa magkakaibang bayan at lungsod.

Dakong alas-10:15 ng umaga, inaresto ng Sta. Barbara Municipal Police Station ang isang 31 anyos na babae sa bisa ng warrant of arrest para sa tatlong bilang ng Estafa sa ilalim ng Article 315, Paragraph 2(a) ng Revised Penal Code.

May itinakdang piyansang ₱18,000 bawat kaso. Kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta. Barbara MPS ang akusado.

Nadakip din ng Dagupan City Police Office sa pamamagitan ng Police Station 4, katuwang ang CIDMU at CIU, ang isang 48 anyos na babaeng residente ng Dagupan City.

Siya ay inaresto dahil sa kasong Estafa sa ilalim ng Article 315, Paragraph 2(a) ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng Republic Act No. 10951, na may piyansang ₱18,000.

Pinagsilbihan din ang isa pang indibidwal ng warrant of arrest para sa kasong Estafa Through Falsification of Public Document na may itinakdang piyansang ₱36,000. Nanatili ang akusado sa kustodiya ng Dagupan CPO para sa kaukulang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments