Makati City – Nawalan ng tirahan ang labing limang pamilya matapos sumiklab ang sunog sa Barangay Pio Del Pilar, Makati City.
Nagsimula ang sunog sa bahay ng Jarmaine Sebastian pasado hating-gabi na agad na itinaas sa ikalawang alarma.
Mabilis na kumalat ang apoy kung saan labing–apat na katabing bahay ang natupok at tuluyan ding naapula makaraan ang dalawang oras.
Wala naman nasugatan sa insidente habang iniimbestigahan na ng mga otoridad ang sanhi nito at ang halaga ng mga ari-ariang nadamay.
Facebook Comments