Manila, Philippines – Patay ang tatlong batang magkakapatid makaraang masunog ang kanilang bahay sa San Isidro Street, Barangay Pinagbuhatan sa Pasig City.
Ang mga biktima ay sina Princess Joy Navides, 7-anyos, John Andrew, 4-anyos at bunsong kapatid na si DJ, 2-anyos.
Sa ulat – bumili lang ng pandesal ang kanilang nanay at iniwang bukas ang kalan habang nagpapakulo ng tubig.
Pero pagbalik, nilalamon na ng apoy ang kanilang bahay kung saan naiwan ang mga bata.
Agad namang nakaresponde ang mga bumbero pero naabutan na nilang patay ang magkakapatid.
Umabot lang ng unang alarma ang sunog na tumagal lang ng 20 minuto.
Facebook Comments