SUNOG | 3, patay; Yosi at magdamag na nakasinding videoke, posibleng naging mitsa

Manila, Philippines – Tatlo ang patay sa sunog na sumiklab sa isang printing service sa C.M. Recto, Quiapo, Maynila.

Natutulog ang mga biktimang sina Joel Iba, Benjie Solis at Ronald Obiedo nang mangyari ang sunog.

Alas kwatro kaninang umaga nang magsimula ang apoy kung saan nadamay din ang katabi nitong computer shop.


Ayon sa may-ari ng printing service na si Renato Galicia – nagdaos sila ng Christmas party kagabi sa opisina at doon na nagpalipas ng gabi ang kanyang mga empleyado.

Napag-alamang lasing ang tatlo at aminado si Galicia na marami sa kanyang mga empleyado ang nanigarilyo sa loob ng opisina na posibleng pinagmulan ng apoy.

Tinitingnan ding dahilan ang videoke machine na magdamag na nakabukas.

Facebook Comments