SUNOG | 5 Yolanda bunkhouse, naabo sa Guiuan, Eastern Samar

Eastern Samar – Nawalan ng bahay ang ilang pamilya matapos masunog ang limang Yolanda bunkhouses sa Barangay Campoyong, Guiuan, Eastern Samar.

Sa ulat, umabot ng mahigit dalawang oras ang itinagal ng naturang sunog pero wala naman naiulat na nasaktan dahil walang tao sa mga bunk houses nang mangyari ang insidente.

Nabatid na nakatira pa din sa mga bunkhouses ang ilang mga pamilya sa naturang lugar dahil hanggang ngayon ay wala pa silang malilipatang permanenteng tirahan.


Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman ang dahilan ng sunog at ang halaga ng natupok na ari-arian.

Facebook Comments