PINAGBABARIL | Grade-7 student, walang habas na pinagbabaril sa Negros Occidental

Negros Occidental – Patay ang isang grade-7 na estudyante matapos na pagbabarilin sa Silay City, Negros Occidental.

Sa ulat, binaril ang biktima na si Cristian Pinson ng dalawang suspek malapit sa kanilang paaralan sa Sitio Lantawon, Barangay Guimbalaon.

Nabatid na papatawid na ang biktima at dalawang kapatid nito nang hinarang ng dalawang suspek saka walang awang pinagbabaril sa tiyan at ulo.


Patuloy na iniimbestigahan ng mga pulis ang motibo at inaalam na din ang mga pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments