SUNOG | Apartment, nasunog sa Caloocan City

Caloocan City – Tinatayang nasa P150,000 ang napinsala sa nangyaring sunog sa apartment building sa 3rd Avenue Barangay 120, Caloocan City.

Ala-1:45 nang sumiklab ang sunog sa kisame ng unit ni JC Suanque at itinaas sa ikalawang alarma bago naapula dakong alas 3 ng madaling araw.

Nadamay naman sa sunog ang limang unit na katabi nito.


Patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng apoy habang wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa sunog.

Facebook Comments